Wednesday, October 8, 2008

Ang Bully

Walang makapagsasabi kung kelan eksaktong nabuo ang pagkakaibigan at samahan ng mga bullies. Basta sa pagdaan ng panahon at pagsasama nila natatag ang Task Force Bullies, in short, bullies. Sila na handang sumaklolo sa panahon ng delubyo at kalamidad. Hindi sila super heroes, ordinaryong mga estudyante lamang na dating madalas matagpuan sa lilib na lugar na tinatawag na Ava, isang lugar malayo sa sibilisasyon. Ngayon ay umasenso na nang kaunti at makikita na sa mga airconditioned rooms ng mukhang sagradong building ng GI.

Open for recruitments ang bullies, as long as willing ka at kayang sumabay sa kakaibang takbo ng utak ng mga bullies. Dating binubuo ng sampung miyembro, ngayon ay labing-isa na. Madami na ring naranasang pagsubok na nalampasan at patuloy na tumatatag.

At sa paunang silip sa buhay ng mga bullies, eto ay ang ilan lamang sa mga Sintomas ng isang bully:

  • Paboritong pastimes: maggupit ng bangs,magkyutiks o mag-nail art kapag bored at walang prof, at magmake-up
  • Pinipicturan ang bully na natutulog sa klase
  • Mambully ng kapwa bully
  • Favorite New Year's Resolution (taon-taon): "Magbabagong buhay na ko, ayoko nang mag-cram"
  • Short term listening, kailangan sanay na ulitin ang pagkukwento
  • Corny
  • Crammer
  • Nabibingi minsan
  • Hindi lang pampamilya, pang-sports pa
  • Favorite sports: Taguan sa department store
  • Mantawag ng bully kapag reporter
  • Mahilig magbasa ng blog ng ibang tao
  • Mahilig ding i-blog ang obsession
  • Laging may isang bully na exception to the rule
Isang simpleng requirement ng pagiging bully:

  • Handang magpaulet-ulet ng kwento para sa short span attention at kabingihan ng bullies

1 comment:

Jean said...

wahaha! ang saya naman ng ating blog! i'm sho happy! miss you friends!